4PS CASH AID, NAGING USAP-USAPAN MULI SA SOCIAL MEDIA
4PS CASH AID, NAGING USAP-USAPAN MULI SA SOCIAL MEDIA

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa publiko ang muling paglabas sa social media ng isang panayam sa isang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, matapos niyang ibahagi na hindi umano sapat ang ₱8,000 para sa isang buwang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Sa naturang panayam, tinanong ang benepisyaryo kung sapat ba ang nasabing halaga upang tugunan ang kanilang gastusin sa loob ng isang buwan. Ayon sa kanya, umaabot lamang umano ito ng halos isang linggo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, kuryente, tubig, at iba pang pangunahing pangangailangan sa araw-araw.
Dahil dito, naging usap-usapan online ang isyu. May ilang netizen ang nagpahayag ng pang-unawa, lalo na sa kalagayan ng mahihirap na pamilyang umaasa sa tulong ng pamahalaan. Ayon sa kanila, hindi na madaling pagkasyahin ang anumang ayuda sa harap ng mataas na presyo ng bilihin.
