DA: POSIBLENG TUMAAS ANG PRESYO NG BIGAS SA SETYEMBRE
DA: POSIBLENG TUMAAS ANG PRESYO NG BIGAS SA SETYEMBRE

Aminado ang Department of Agriculture (DA) na posibleng tumaas ang presyo ng bigas sa bansa ngayong darating na anihan sa Setyembre.
Ayon kay Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., isa sa mga dahilan ng pagtaas ay ang mahal na urea fertilizer, na mula ₱1,650 ay umabot na sa ₱3,000 kada sako.
Pinag-aaralan ng DA ang pagpapatupad ng “rice blend”, o paghahalo ng imported at lokal na bigas, upang mapanatili ang sapat na suplay at mas abot-kaya ang presyo para sa mga mamimili.
Posibleng umakyat ang presyo ng bigas sa ₱60–₱62 kada kilo, mula sa kasalukuyang ₱50 kada kilo. Ayon sa DA, maaring mapabagal ang pagtaas kung magkakaroon ng interbensyon mula sa gobyerno.
