
Muling kinaantigan ng marami si Ivana Alawi matapos niyang magpaabot ng tulong sa ilang jeepney driver. Sa kanyang latest act of kindness, binigyan niya ang mga tsuper ng pagkakataong makapamili ng groceries para sa kanilang pamilya, kasabay ng pagbibigay ng cash assistance na makatutulong sa kanilang araw-araw na pangangailangan.
Isa sa mga lubos na nakaantig sa netizens ay ang pagbisita ni Ivana sa isang senior jeepney driver na minsan nang naging viral dahil sa kanyang emosyonal na karanasan kaugnay ng fuel assistance. Hindi nagdalawang-isip si Ivana na personal itong puntahan at alalayan.
Bukod sa groceries at cash aid, binigyan din niya ang matandang tsuper ng e-bike na maaaring makatulong bilang alternatibong hanapbuhay. Pinagtuunan din niya ng pansin ang kalusugan nito sa pamamagitan ng pag-aayos ng eye check-up.
Dahil dito, maraming netizens ang pumuri kay Ivana sa kanyang malasakit at kabutihang-loob. Para sa marami, ipinakita niya na ang pagtulong ay mas nagiging makabuluhan kapag ito ay may kasamang tunay na pag-unawa at hangaring makapagbigay ng pangmatagalang pag-asa.
📸: IVANA ALAWI / YT
