HOLYDAP MOMENT! LALAKI, NAGDASAL BAGO ISAGAWA ANG PANGHOHOLDAP
HOLYDAP MOMENT! LALAKI, NAGDASAL BAGO ISAGAWA ANG PANGHOHOLDAP

Nahuli sa CCTV ang isang lalaki matapos mangholdap sa Taytay, Rizal. Bago isagawa ang krimen, kapansin-pansin na nag-sign of the cross pa ang suspek, na tila nagdasal muna bago kumilos.
Makikita sa video na matagal munang nagmamasid ang lalaki sa paligid at pabalik-balik sa eskinita. Ilang sandali pa, bigla siyang naglabas ng patalim at hinarang ang kanyang target—isang dayuhang naniningil ng utang. Dahil sa pananakot, napilitang ibigay ng biktima ang halagang ₱5,000.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek. Ayon sa mga residente, kilala umano ito sa lugar ngunit hindi na natagpuan sa kanyang bahay nang hanapin. Hindi na rin nagsampa ng reklamo ang biktima, habang pinaalalahanan ng barangay ang publiko na manatiling alerto laban sa ganitong uri ng krimen.
