PASSTHROUGH CHARGES SA MERALCO BILL, PARA SAAN NGA BA?
PASSTHROUGH CHARGES SA MERALCO BILL, PARA SAAN NGA BA?
Usap-usapan ngayon sa social media ang mga charges sa bill ng Meralco, partikular ang mga pahayag na tila “ipinapasa” sa ibang consumers ang bayad sa diskwento o libreng kuryente ng 4Ps beneficiaries.
Ayon sa Meralco, ang mga naturang singil ay bahagi ng tinatawag na pass-through charges na mandated ng gobyerno at hindi napupunta bilang kita ng kumpanya. Kabilang dito ang iba’t ibang subsidy tulad ng Lifeline Rate para sa 4Ps, senior citizen discounts, at iba pang energy-related charges, na ipinatutupad din sa iba pang distribution utilities sa bansa.
Para sa 4Ps households, ipinaliwanag na ang diskwento sa kuryente ay nakadepende sa antas ng konsumo, kung saan maaaring maging zero ang bill sa mababang paggamit, habang ang mas mataas na konsumo ay may katumbas pa ring diskwento ngunit hindi na libre.
Sa kabuuan, ayon sa Meralco, hindi lahat ng 4Ps ay libre ang kuryente dahil nakadepende ito sa konsumo, at ang mga singil na kaugnay ng subsidy ay bahagi ng mga pass-through charges na mandated ng gobyerno at ipinatutupad hindi lamang sa Meralco kundi sa iba pang distribution utilities.
👉 Source: https://www.facebook.com/share/p/18jvA3oPZV/
